May isang madre, nagkaroon sila ng medical mission sa isang liblib na lugar sa isang probinsiya. May kalayuan din ito mula sa kumbentong kanyang tinutuluyan. Mga dalawang oras din ang biyahe rito papunta sa katabing bayan at dalawang oras pang muli papunta sa bayan kung nasaan ang kumbento. Pag inabot ng alanganing oras ang mga mini bus na bumibiyahe dito ay di na tumutuloy sa kabilang bayan.
Tumagal tagal din naman ang pag-pabalikbalik ng madre sa lugar na ito, ngunit isang araw medyo napatagal ang kaniyang mga gawain kaya medyo naatrasado ang kanyang paguwi.
Pag sakay ng mini bus ng madre medyo puno narin ito, kaya agad itong umalis, marahil ay dahil narin sa alanganin na ang oras at mahirap masiraan lalo na at bihira ang dumaraan dito. Di na nga kagandahan ang daan ay kaydilim pa.
Nagbayad ang madre ng pamasahe
Madre: anak dun ako sa kabilang bayan
Kundoktor: naku po sister di na po kami didiretso dun, alanganin napo.
agad namang sumabat sa usapan ang isang pasaherong babae.
Babae: sister kung gusto nyo po ay dun na kayo tumuloy sa amin.
Madre: naku nakakahiya naman sa inyo
sumabat ang kundoktor.
Kundoktor: sister sa station nalang kayo magpahinga.
agad ulit na sumabat ang babae.
Babae: Sister, samin nalang kayo, malapit lang ang bahay namin sa highway, para makapagpahinga narin kayo tapos hatid ko nalang kayo bukas ng umaga sa highway.
Sister: Maraming salamat anak.
Walang nagawa ang kundoktor kundi ang maningil sa ibang pasahero. Tumagal din ng isang oras ang biyahe, Habang palayo ay nakikita mo na puro palayan nalang at pakonti ng pakonti ang kabahayan. Maya maya pa ay tumayo ang babae at pumara.
Babae: Para na po, sister dito na tayo, tara na po.
Sister: Sige tara na.
Humarang ang kundoktor sa pinto sabay sabi na.
Kundoktor: sister di kayo bababa.
Sister: Iho sasama ako sa kanya, (malumanay na sabi ng madre)
Kundoktor: sister basta di kayo bababa. (medyo nanginginig na boses ng kundoktor)
Babae: Bakit ka ba nakikialam. (medyo galit na sambit ng ale)
muling nagsalita ang kondoktor animoy di napapansin ang babae.
Kundoktor: sister basta di kayo bababa. (tuluyan ng nanginig na boses ng kundoktor).
Naisip ng madre na kesa mag away pa ang dalawa ay di nalang siya bumaba at nagpasalamat nalang sa babae. Galit na bumaba ang babae, matalim ang tingin nito sa kundoktor, Samantala'y napansin naman ng madre na pilit na di tinitingnan ng kundoktor ang babae. Hanggang sa umandar ang bus.
Nagtanong ang madre sa kundoktor,
Sister: Iho bakit di mo ako pinasama dun sa babae? ano ba ang problema?
Kundoktor: sister, kilala pong aswang ang babaeng iyon, Madalas po niyang ginagawa yan naisip ko po kasi na baka may masamang mangyari sa inyo ay di ako patatawarin ng kunsensiya ko.